Saturday, March 6, 2010

Dapi't Hapon

Author : Darnel Quides



Minsan nanalangin ako, na sana ako nlang, na sana sa akin ka nlang.
Minsan na akong naging sakim, pagkakamaling pumatay sa akin.
Kasakimang nagdala sayo sa kahihiyan, kasakimang naghatid sayo sa kabiguan.
Patawad ko'y nde sapat para maibsan o dili kaya'y matabunan ang kasalanang sayo'y nagawa.
Pero aaminin ko sayo na sa mga pagkakamaling nagawa.
Higit akong nasaktan, higit akong nahirapan at higit akong nagdusa.
Panghabang buhay ko itong dadalhin at kahit sa aking pagpanaw kapatawaran mu lang ang aking hiling.
Nawa'y maging sapat ang aking buhay bilang kabayaran sa kasakimang aking hinatid.

No comments:

Post a Comment